Tuesday 25 May 2010

Nine Days and Eight Nights to go...

EXCITED na ako... Obvious ba?..Nine days to go and Eight Nights, makaaalis na ako ng trabaho ko, makakapag pahinga ako ng 31 days. Bakasyong Galore..Excited na ako kaya lang wala pa akong ticket at hotel bookings ano ba yan, ang tagal naman ng sahuran, kelangan ko na i arrange lahat. Baka maudlot pa. Magiging malungkot lang ako.

UU magbabakasyon ako.San? Jan lang sa tabi tabi..Ay malau pala, kasi magbabaksyon ako sa Thailand, uu sa Thailand, first ever bakasyon ko for 2 years, sana nga matuloy ako.

Dito sa opisina madaming nagsasabi ng panu na daw sila kapag wala ako, san ka ba naman nakakita ng katulad ko,  kahit hindi ko amo nasta ung pangalan nya nakalagay sa meeting schedule ng amo ko i reremind ko sa meeting todo early in the morning ko i reremind, lalo na ang Civil Manager namin na ulyanin at walang secretary naku todo todo syang nag paparinig sa HR na panu na daw sya kapag wala ako, wala na daw mag reremind sa kanya lalo na ulyanin sya, Ganun din sa HSE Manager, naku buti pa sila panu naman kaya ang amo kong GM? mamiss nya rin kaya ako? ay malamang kasi wala na syang masisita at kukuha ng mga gamit nya sa kotse nyang maganda, wala ng gagawa ng Meeting Schedules nya, ng MOM nya na di naman nya binabasa basta sign nalang ng sign pag my mali kaw my kaslanan, dapat perfect. Kawawa naman ang rerelyebo sakin, lalo na hindi sila sanay sa kasungitan at pagiging spolied brat ng amo ko. Lalo na sa pag sasalita nya kasi mag uutos sya habang naglalakad.Sa wakas matatakasan ko na ang Recruitment Dept. na ubod ng tamad. hahaha asa nila lahat sakin...San ka pa.Sana lang walang mang iistorbo sakin na tatawag tawagan ako.

Well pag ako naman magbakasyon mamiss ko rin sila at cyempre mamimiss ko rin ang bagong bukas kong blog, ang bago kong Kua Donald, at ang mga kaibigan ko. Sana naman mamiss din nila ako.

Im sure mangingitim ako, kakswimming. Sana maenjoy ko.

Pagdating ko after thailand mag popost na ako ng bongang bongang pictures ko dito

Pasensya na kung walang kwenta tong post ko na to, excited lang kasi ako.

No comments: